Walang pressure mula sa Malakanyang sa ginawang pagbibitiw ni PNP Chief General Oscar Albayalde
Niliwanag ng Malakanyang na walang pressure mula sa Malakanyang ang ginawang pagbibitiw sa tungkulin ni PNP Chief General Oscar Albayalde.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na sariling desisyon ni General Albayalde ang maagang pagbibitiw sa kanyang tungkulin at inilagay ang kanyang sarili sa non duty status tatlong linggo bago ang kanyang pagreretiro sa serbisyo.
Ayon kay Panelo masyado ng nakaladkad ang personalidad ni Albayalde at ang PNP dahil sa isyu ng drug recycling ng mga Ninja cops na mga dati niyang mga tauhan noong provincial director pa siya ng Pampanga noong 2013.
Dahil sa pagbibitiw ni Albayalde magsisilbing Officer in Charge o OIC si PNP Deputy Chief for Administration Lt. General Archie Gamboa hanggang makapagtalaga si Pangulong Rodrigo Duterte ng bagong PNP Chief.
Ulat ni Vic Somintac