Acting General Manager ng LLDA walang respeto – Senador Cayetano
Tinawag na walang respeto ni Senador Alan Peter Cayetano ang Acting General Manager ng Laguna Lake Development Authority o LLDA
Hindi kasi sumipot sa pagdinig ng Senate Committee on Government Corporations and Public Enterprises ang opisyal kaugnay ng development at programa ng LLDA.
Ayon kay Cayetano, tumawag kagabi si Acting General Manager Senando Santiago para sabihing may meeting siya sa mga mayors kaya hindi siya makakadalo.
Pero ayon sa senador, may 3-day rule ang senado na dapat masabihan and komite tatlong araw bago ang pagdinig kung hindi ito makakasipot.
Napilitan tuloy si Cayetano na suspendihin agad ang pagdinig.
“LLDA you know that i love you but i don’t like what your GM has done today.
The basis of relationship is respect so kung wala siyang respeto sa committee na ito, wala rin akong respeto sa kanya di ba.” pahayag ni Senador Cayetano
Nagpatawag ng pagdinig ang senado para malaman sana ano na ang ginagawa sa Laguna Lake kung hahayaan nang mabaho at nagkalat ang mga basura
Mahalaga aniya na matalakay ang isyu at matalakay kung paano napapakinabangan ang napakalawak na lawa lalo na ng mga mangingsida
“We want LLDA to work maraming di nakakaalam ang singapore kasya sa laguna lake pero kung ang GM ay bastos at di marunong rumespeto sa senado dapat nagsabi naman siya nakuha naman nila ang notice dapat kahit kahapon ng umaga nagsabi siya but yung darating ka dito tapos late at night siya magsasabi na di siya pwede, di naayon sa patakaran.” patuloy na pahayag ng senador.
Meanne Corvera