Walang Rotational Power Interruption ngayong araw -DOE
Walang inaasahang Rotational Power Interruption ngayong araw .
Ayon kay Department of Energy Asec. Mario Marasigan, hindi magkakaroon ng Red Alert status ngayon pero magdedeklara sila ng Yellow alert sa Luzon grid dahil sa manipis paring reserba ng kuryente.
Kahapon, itinataas ang Yellow at Red Alert sa Luzon at Visayas dahil sa malaking kakulangan sa suplay ng kuryente.
42 power plant units kasi ang naka maintenance habang ang iba ay de-rated o hindi sapat ang naibibigay na kuryente.
Habang 2 unit naniya sa Pagbilao,Quezon ang nagkaroon ng hindi inaasahang pagshutdown.
Nanawagan rin ang DOE sa mga establisyimento na kasali sa Interruptible Load Program na patuloy na makiisa.
Pero sa report ng Meralco, may ilang lugar ang nakaranas ng power interruption dahil sa pangyayari.
Nanawagan ang rin ang DOE sa publiko na magtipid sa paggamit ng kuryente bagamat aminado silang mahirap itong gawin lalo at mainit ang panahon ngayon.
Madelyn Villar-Moratillo