#WalangPasok: Miyerkoles, Nov. 11
Ilang lugar sa bansa ang nagsuspinde ng klase ngayong araw, Miyerkoles, November 11.
Sinabi ni Camarines Sur Governor Miguel Luis Villafuerte na suspendido ang klase sa lahat ng lebel, sa pampribado at pampublikong paaralan hanggang sa Nov. 15.
Bunsod aniya ito ng kawalan pa rin ng suplay ng kuryente sa lalawigan, habang ang ibang munisipalidad naman ay hindi pa matatag ang mga linya ng komunikasyon sanhi ng pinsalang dulot ng nagdaaang bagyong “Rolly.”
Suspendido rin ang mga trabaho sa pamahalaang lungsod, dahil naman sa bagyong “Ulysses.”
Samantala, nagsuspinde rin ng klase ang Camarines Norte, sa lahat ng lebel, pampubliko man o pamribadong paaralan.
Bumagal naman si “Ulysses” sa bahagi ng Philippine Sea pero nananatili ang lakas nito.
Ang Metro Manila at iba pang lugar ay nasa ilalim na ng Signal No. 2, habang ang iba pang bahagi ng Luzon ay Signal No. 1.
Liza Flores