Walk for peace isinagawa sa Matuguinao, Samar
Nagbigay ng cash assistance ang lokal na pamahalaan ng Matuguinao, sa sumukong miyembro ng New People’s Army front committe 1 o NPA-FC1 na nagkakahalaga ng limampung libong piso.
Isinuko rin nito ang kaniyang mga armas na kinabibilangan ng isang M16 rifle at isang kalibre .45 baril.
Bago ito ay binigyan din ng pagkilala ang Philippine National Police Special Action Force (PNP-SAF) 123rd Special Action Company at si Police Capt. Angelo Sibunga, dahil sa ipinamalas nilang pagsisikap na tapusin na ang paghahasik ng kaguluhan ng lokal na komunista, na nagresulta pa sa pagkamatay ng isang miyembro ng NPA.
Sa naturang seremonya na ginanap sa municipal cultural center, ay itinalaga rin ni Brig. Gen. Lowell Tan, kumander ng Phil. Army 803rd Brigade bilang bagong Commission Reservist Officer, si Capt. Aran dela Cruz Boller, na siyang Mayor ng Matuguinao, Samar.
Ilan pa sa naging aktibidad kaugnay ng seremonya, ay ang Walk for Peace, Barangay Caravan, at turn-over ceremony para sa expansion ng Toy Library.
Patuloy namang hinikayat ni Mayor Boller ang mga aktibong miyembro ng NPA at mga supporters nito, na magbalik loob na sa pamahalaan.
Ulat ni Miriam Timan