Walk in policy muli nang ipinatupad sa vaccination sites sa Maynila
Matapos ang mababang turn out ng vaccination kahapon, hindi na nagpatupad ng no walk in policy ang lokal na pamahalaan para sa pagbabakuna kontra COVID-19.
Ngayong araw, muling ipinagpatuloy ang pagbabakuna sa Maynila.
Para sa mga nasa A5 o indigent population, may 6 na vaccination site ang itinalaga kung saan bawat site ay may tig 1 libong doses ng bakuna.
Para naman sa mga nasa A1 hanggang A5 priority group, may 4 na mall sites ang itinalaga kung saan bawat isang site may tig 2,500 doses bukod pa rito ang 6 na school sites para din sa kanila na may tig 2 libong doses naman.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, target nilang matamo ang herd immunity sa Hulyo.
Madz Moratillo