Walk in sa mga vaccination site sa Maynila bawal parin
Nagpaalala ang lokal na pamahalaan ng Maynila na bawal parin ang walk in sa mga Covid 19 vaccination site sa lungsod.
Ayon sa Manila LGU, ang vaccination sites ay bukas mula 7am hanggang 7pm.
Paalala naman sa mga may stub na para sa pagpapabakuna, sundin kung saang vaccination site itinalagang magpunta at maging schedule ng oras upang maiwasan ang siksikan at masigurong magkakaroon parin ng physical distancing.
Mahigpit na bilin ng Manila LGU sa mga magpapabakuna, sundin ang health protocols sa lahat ng pagkakataon para narin sa kanilang kaligtasan.
Kung hindi naman makakarating sa itinakdang schedule, makipag-ugnayan sa barangay.
Ngayong araw, may 18 vaccination sites, at 3 special community sites na may tig 1,500 doses ng bakuna ang itinalaga ng lokal na pamahalaan ng Maynila para sa mga nasa A1 hanggang A5.
May 2nd dose vaccination rin sa San Andres Sports Complex para sa mga nakatanggap ng 1st dose ng Moderna mula July 1 hanggang 24.
May 2nd dose vaccination rin sa Manila Grandstand drive thru vaccination para sa mga naturukan ng 1st dose ng Pfizer noong Agosto 3.
Madz Moratillo