Walk in services sa DFA suspendido muna
Sinuspinde ng Department of Foreign Affairs ang walk in para sa mga aplikante ng pasaporte at iba pang dokumento ngayong araw sa kanilang tanggapan sa Aseana sa Parañaque.
Sa isang statement sinabi ng DFA na naabot na ang bilang ng kaya nilang serbisyuhan ngayong araw na aabot sa 300 katao.
Dulot ito ng pagdagsa ng mga aplikante na sa labas na ng kalsada nag- abang at nakatulog.
Gayunman mananatiling bukas ang walk in services kanilang mga consular office sa NCR east, NCR west, NCR south pampanga, Iloilo, La union, Cebu, Davao at Cagayan de oro.
Para sa kanilang mga hinihinging documentary requirements maaring mag log-in sa kanilang website na https/consular.dfa.ph.
Meanne Corvera