Wallet na natagpuan sa NAIA na may mahigit na 130,000 cash, naibalik na sa may-ari
Naibalik na sa may-ari ang wallet na naglalaman ng 130,000 cash na natagpuan sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 (NAIA).
Ang may-ari ng wallet na si Nida B. Acuriba ay kinontak ng NAIA authorities sa pamamagitan ng social media.
Gabi nuong Agosto 5, 2019 ng matagpuan ni Josephine Pagoyo, isang nagtitinda ng SIM Card sa NAIA Terminal 1, ang wallet na nasa sahig ng arrival lobby ng nasabing Terminal.
Kinuha niya ito at agad na ibinigay sa security guard na si Michael Pascual.
Kasama si Pagoyo, nagtungo ang dalawa sa Lost and Found section upang i-surrender ang wallet at inimbentaryo ang laman nito bilang parte ng documentation process.
Ang pitaka ay naglalaman ng US $ 2,000 na cash at Php 30,390 at sari-saring identification cards .
inubukan ni Raul Caudilla ng Lost and Found section na makipag-ugnayan sa pasahero sa pamamagitan ng Facebook para ipaalam sa kanya ang pagkaka-hanap sa kanyang pitaka.
Nagpunta si Ms. Acuriba sa NAIA nang sumunod na araw upang i-claim ang kanyang pitaka at nagpasalamat sa mga kawani ng paliparan lalu na kay Pagoyo sa kanilang katapatan at pagsisikap na subukang hanapin siya at ibalik ang kanyang wallet.
Ayon naman kay Manila International Airport Authority (MIA) General Manager Ed Monreal na ang pagiging tapat ay isang magandang ehemplo na dapat pamarisan ng mga kawani ng NAIA.
Muling umapela si GM Monreal sa mga taga NAIA na ipagpatuloy ang ganitong katapatan dahil ang mga simpleng gawaing ganito ay lumilikha ng magandang impresyon para sa paliparan.