Walo katao patay sa sunog sa isang cooking oil factory malapit sa Jakarta

A drone view shows smoke and flames rising at a cooking oil factory, in Bekasi, West Java province, Indonesia November 1, 2024, in this screen grab obtained from a social media video. ILHAM APRIYANTO/via REUTERS

Walo katao ang namatay sa malaking sunog na nangyari sa isang cooking oil factory malapit sa Jakarta, kapitolyo ng Indonesia.

Ayon sa mga awtoridad, humigit-kumulang sa 20 firefighting trucks ang nagtungo sa lugar upang apulahin ang sunog.

Makikita sa footage mula sa Metro TV ang apoy at maitim na usok na nanggagaling sa isang gusali sa sentro ng isang industrial complex sa Bekasi, isang siyudad sa eastern edge ng Jakarta.

Ayon sa mga ulat, isinara ang mga kalsada sa paligid ng pabrika.

Sinabi ni Suhartono, pinuno ng Bekasi fire department, lahat ng bangkay ng mga nasawi ay nailabas na mula sa pabrika, at isinagdag na tatlong iba pa ang nasaktan.

Gayunman aniya, ang bilang ng mga namatay ay maaaring maragdagan pa.

Samantala, iniimbestigahan na ng mga lokal na awtoridad ang sanhi ng sunog.

Ayon kay Suhartono, ang pabrika ay ino-operate ng PT Primus Sanus Cooking Oil Industrial (Priscolin).

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *