Walo pang Filipinos sa abroad ang gumaling sa COVID-19
Walo pang Filipinos na nasa abroad ang naka-recover mula sa COVID-19.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), dahil sa mga nadagdag na gumaling kaya umaabot na nagyon sa 8, 341 ang kabuuang bilang ng mga pinoy sa abroad na gumaling mula sa sakit.
Gayunman, may walo ring nadagdag na bagong kaso kaya nasa kabuuan nang 12, 828 ang bilang ng mga pinoy sa abroad na nahawaan ng COVID-19.
Wala namang nadagdag sa mga nasawi, kaya ang kabuuang bilang pa rin ng mga namatay dahil sa COVID-19 sa mga pinoy sa abroad ay 911.
Nasa Gitnang Silangan at Africa pa rin ang pinakamaraming pinoy abroad na nagkaroon ng COVID-19, gumaling o namatay kung saan 7, 654 ang na-infect, 4, 674 ang gumaling at 578 naman ang nasawi.
Pinaka kaunti namang bilang ng mga pinoy sa mga bansa sa America ang nagkasakit at nakarecover, kung saan 781 ang nagkaroon ng COVID-19 at 525 naman ang gumaling, habang ang Asia Pacific region naman ang nakapagtala ng pinaka kaunting bilang ng mga pinoy abroad na nasawi dahil sa sakit, kung saan 21 ang namatay dahil sa coronavirus.
Ayon DFA, ipagpapatuloy nila ang monitoring sa kalagayan ng mga pinoy na nasa abroad at handan silang tulungan ang mga ito at asikasuhin ang kanilang pag-uwi.
Dagdag pa ng ahensya, higit 300-libong mga pinoy na ang kanilang napauwi mula noong Pebrero.
Liza Flores