Walo patay sa magnitude 5.4 na lindol sa China

Walo ang nasawi matapos tumama ang magnitude 5.4 na lindol sa Xinjiang, beijing, China.

Batay sa datos ng US Geological Survey, tumama ang lindol sa 213 kilometers South-Southwest ng Silk Road City, sa Kashgar bago mag alas sais  kaninang umaga.

Walo ang namatay sa nasabing pagyanig at labing isa naman ang nasugutan.

Madalas tinatamaan ng lindol ang China, lalo na ang Western at Southwestern regions nito.

Noong February 2003, 268 ang namatay dahil sa pagtama ng 6.8 magnitude na lindol sa Xinjiang.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *