Walo patay sa Somalia beach attack
Hindi bababa sa walo katao ang namatay at 28 iba pa ang nasaktan sa nangyaring pagsabog sa isang sikat na beach sa Mogadishu, kapitolyo ng Somalia.
Ang pag-atake ay isinisisi ng Somali state media sa militant Islamist group na al Shabab.
Sinabi ni Dr. Abdikadir Abdirahmman, direktor ng Aamin ambulance, na ang bilang ng namatay ay maaari pang maragdagan.
Ayon sa state news agency na SONNA, limang attackers mula sa al Shabaab ang napatay ng security forces habang pinasabog naman ng ika-anim ang kaniyang sarili sa panahon ng pag-atake.
Wala namang agad na umako ng responsibilidad mula sa al Qaeda-linked al Shabaab, na siyang umangkin sa mga kaparehong pag-atake sa mga nakaraan.
Ayon kay Prime Minister Hassan Ali Khaire, ng pagsabog ay nangyari habang ang mga residente ay nagsu-swimming sa Lido beach.
Aniya, “The fact that the terrorist attack coincides with this night when the beach is the most congested shows the hostility of the terrorists to the Somali people.’
Kontrolado ng al Shabab ang malaking bahagi ng Somalia bago sila napaatras ng mga opensiba ng gobyerno mula noong 2022.
Gayunman, nagawa pa rin ng mga militante na maglunsad ng mga pag-atake sa government, commercial, at military targets.