Walo sa mga biktima ng nasunog na fast craft vessel sa Quezon province , inilipat sa ospital sa Quezon city

Inilipat na sa East Avenue Medical Center sa Quezon City ang ilan sa mga biktima ng nasunog na fast craft vessel na nasunog sa karagatang sakop ng Real, Quezon.

Nabatid na 8 sa 24 na nasugatan ang inilipat sa East Avenue Medical Center.

Personal naman silang binisita ni Quezon Gov. elect Helen Tan at binigyan ng tulong pinansyal.

Ayon kay Tan, isa sa mga biktima ay 7 buwang gulang na sanggol.

Kaya naman labis ang kanilang pasasalamat sa mabilis na pagtugon ng EAMC sa paglilipat ng mga pasyente mula sa Quezon.

Una rito, 7 ang iniulat na nasawi sa nasabing sunog.

Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us: