Walong bagong pampublikong gusali at pasilidad sa bayan ng Sto. Tomas, Pangasinan, sabay-sabay na pinasinayaan
Sa inisyatibo ng alkalde ng Sto. Tomas na si Mayor Timoteo ” Dick ” S. Villar III, ay naitalaga na ang walong gusali at pasilidad sa naturang bayan.
Kinabibilangan ito ng bagong tayong Built Ligtas Covid Center ( COVID-19 Quarantine Facility ), Corn Farmers Learning Center and Agricultural Office, Animal Bite Center, Senior Citizen & PWD Holding Area, Food Processing, RHU Birthing Home Facility at Antonio ” Bebot ” Villar, Jr. Children’s Park.
Ang pagpapasinaya ay pinangunahan ng alkalde at dinaluhan ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan, sa pangunguna ni Vice Mayor Wilfredo Pescador, mga kawani ng lokal na pamahalaan, liga ng mga barangay, Kagawaran ng Edukasyon, PNP, BFP, mga religious sector at iba pa.
Sinuportahan din ito ng mga kinatawan ng pamahalaang panlalawigan.
Pinasalamatan naman ni Mayor Dick ang mga sumuporta upang maitayo ang mga nabanggit na pampublikong gusali at pasilidad. Aniya, dapat ingatan ang mga ito upang lalong pakinabangan ng mga mamamayan ng Sto. Tomas.
Naging matagumpay sa kabuuan ang aktibidad at naipatupad ang lahat ng health protocols na itinakda ng pamahalaan.
Ulat ni Pererson Manzano