Walong barangay sa Cordillera, idineklarang communist terrorist group free
Walong mga barangay sa Cordillera ang idineklarang communist terrorist group free, at isa rito ang Brgy. Babalag East, sa bayan ng Rizal, sa Kalinga.
Ang walong nabanggit na mga barangay ay tatanggap ng tig 20 milyong piso mula sa Support to Barangay Dev’t Program o SBDP, ng Nat’l Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC.
Ang nasabing halaga na ipagkakaloob sa mga barangay na ito ay gagamitin para sa pagpapaunlad, gaya ng sa Brgy. Babalag East, Rizal, Kalinga na ilalaan ang tatanggaping pondo para sa pagpapa-kongreto ng Barroga-Baggas Farm to market road, paggawa ng Barangay Health Center at pagsasaayos ng Water Works system.
Ang SBDP ay programa ng administrasyong Duterte, na ang layunin ay pababain o bawasan ang communist terrorist group recruitment.
Isinagawa naman ang ground breaking ceremony ng nasabing proyekto nitong Lunes, Mayo 24 na pinangunahan ng mga nanunungkulan mula sa National Government, Provincial Government ng Kalinga at lokal na pamahalaan ng bayan ng Rizal.
Ulat ni Xian Renzo Alejandro