Walong delinquent taxpayers mula sa Pasig, Antipolo, at Marikina, kinasuhan ng BIR sa DOJ dahil sa 160 million pesos na hindi binayarang buwis
Sinampahan ng reklamong Tax evasion sa DOJ ng BIR ang walong korporasyon, partnerships at negosyante mula sa Pasig, Antipolo at Marikina dahil sa hindi pagbabayad ng tamang buwis na umabot sa 160 million pesos.
Ang mga ito ay ang LDE/MBE Global, EPV Electro Technology Philippines Corporation, Best Shinamono Corporation, Koyo Trading Philippines, Incorporated, PPR Light Steel Framing systems, Marks Manufacturing Company, Hapihom Company at negosyanteng si Michael Natanuan Tuazon.
Ayon sa BIR, bigong magbayad ng buwis ang mga respondents para sa mga taong 2009, 2010, 2011 at 2012.
Pinakamalaki sa hinahabol na buwis ay sa LDE/MBE Global na mahigit 32 million pesos.
Sumunod ang Marks Manufacturing na 31.6 million pesos at ikatlo si Tuazon ng M. Tuazon Enterprises na 28.96 million pesos.
Umabot naman sa 26.75 million pesos ang Tax liability ng RPV Electro habang 13.7 million pesos naman ang Best Shinamono.
Nasa 11.4 million pesos ang utang sa buwis ng Hapihom company, 8.2 million pesos ang Koyo Trading at 7.8 million pesos ang PPR Light steel.
Ulat ni Moira Encina