Walong Senador naka-perfect attendance sa first regular session ng Senado

Walo lang sa 24 na Senador ang naka-perfect attendance sa first regular session ng 18th Congress.



Present sa 67 mga rollcall sa mga sesyon mula July 22, 2019 hanggang noong June 4, 2020 sina:

1. Sen. Nancy Binay
2. Sen. Ronald Dela Rosa
3. Sen. Franklin Drilon
4. Sen. Sherwin Gatchalian
5. Sen. Risa Hontiveros
6. Sen. Vicente Sotto III
7. Sen. Joel Villanueva
8. Sen. Juan Miguel Zubiri

Pero dalawa lamang sa kanila ang hindi na late sa simula ng sesyon at ito’y sina Sotto at Zubiri.

Si Senador Francis Pangilinan, pumasok lang ng 58 session days, nag-file ng dalawamg sick leave, may apat na absences at tatlong official mission.

Hindi naman nakadalo kahit isang beses si Senador Leila de Lima na kasalukuyang nakakulong sa PNP Custodial center dahil sa mga kinakaharap na kaso.

66 days lang na present sina  Senador Sonny Angara na umabsent ng isang araw dahil sa local official mission.

Si Senador Bong Go may isang overseas official mission habang tig-isa rin ng absent sina Senador Panfilo Lacson, Senador Imee Marcos at Senador Francis Tolentino.

May tig-dalawa namang absent sina Senador Grace Poe, sen. Ralph Recto at Cynthia Villar.

62 session days lang na present sina Senador Richard Gordon na may isang overseas official mission, 3 sick leave at isang absent habang si Senador Manny Pacquiao ay 2 sick leave, 2 absent at isang official mission.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us: