Wangwang ban pinabubuhay ng Senado sa Marcos Admininistration

Hhinimok ni Senador JV Ejercito si Pangulong Bongbong Marcos na buhayin ang kampanya laban sa paggamit ng Wang Wang.

Ayon sa Senador, may batas na laban sa Wangwang noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.,na mahigpit ring ipinatupad noong panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Sinabi ni Ejercito na dahil wala nang inilabas na patakaran hinggil dito, inaabuso na ng ilang opisyal ng gobyerno ang paggamit ng wangwang.

Katunayan, marami na siyang nakakasabay sa lansangan na mga local officials  na gumagamit ng blinkers, wangwang at pati ang kanilang mga escorts nakawang wang para makaiwas sa traffic.

Para sa kanya dapat ang Pangulo, pangalawang Pangulo, Senate president, House Speaker at Chief justice lang ang mabigyan ng otorisasyon para sa mga vehicle siren kasama na ang mga bumbero at ambulansya.

Sinabi ni Ejercito nakatanggap siya ng impormasyon na marami rin sa mga negosyante at nasa pogo industry ang gumagamit ng wangwang sa pamamagitan ng kanilang mga escort.

Pangamba niya baka magamit na rin ito ng mga kriminal para takasan ang mga checkpoint.

Sinusuportahan ni Senator Sherwin Gatchalian ang mungkahi ni Ejercito na nagsabing ang daming mga opisyal ngayon ang nagpi feeling VIP.

Meanne Corvera

Please follow and like us: