War veterans, pinarangalan ng LGU sa Tacloban City
Binigyan ng parangal ng lokal na.pamahalaan ng Tacloban City ang mga natitirang mga bayani ng digmaan sa lungsod, isang araw bago ang ika-pitompu’t-pitong taong anibersaryo ng Leyte Gulf Landing.
Ang mga beterano ay nakatanggap ng cash incentives at mga regalo bilang parangal sa kanilang kagitingan at sakripisyo.
Ang anim (6) na surviving veterans ay sina Teresa Olino Malpas, Epistemia Redona Rama, Paciencia Kempis Tripoli, Eduardo Aguilar Bermudo; at centenarians na sina Maxima Aviles Satorre, at Jose Acuna Acedillo.
Ayon sa LGU ng Tacloban City, kasabay ng pagdiriwang ng Araw Ng Mga Beterano, ipinagdiriwang din ng isa sa mga beterano na si Jose Acuna Acedillo ang kaniyang ika-101 taong kaarawan.
Nakatanggap din ito ng mga regalo mula sa Philippine Veterans Office, kay Tingog Partylist Representative Yedda Marie Romualdez at Hiraya Tacloban President Raymund Romualdez.
Ipinagdiriwang ng Tacloban City ang World War II Veterans’ Day tuwing ika-19 ng Oktubre sa ilalim ng City Ordinance 2007-9-65.
Rose Marie Metran