Warrant of arrest laban kay dating Comelec Chairman Andres Bautista, handang bawiin ng Senado
Ikinukunsidera ng Senado na bawiin ang inisyung warrant of arrest laban kay dating Comelec chairman Andres Bautista.
Si Bautista ay pinaaaresto ng Senate Committee on Banks matapos ma-contempt dahil sa hindi pagsipot sa mga imbestigasyon sa isyu ng umano’y ill-gotten wealth na hindi idineklara sa kaniyang Statement of assets, liabilities and networth o SALN.
Ayon kay Senador Francis Escudero, babawiin lang nila ang arrest warrant kung magsusumite si Bautista ng kaniyang affidavit para ipaliwanag ang mga kinukuwestyong bank accounts.
No show pa rin sa pagdinig kanina si Bautista dahil kasalukuyan itong nasa ibang bansa pero nangakong magsusumite ng affidavit sa March 26.
Aminado naman si Escudero na hindi maaring puwersahin si Bautista na maglabas ng waiver dahil sa umiiral na Bank secrecy law.
Ito raw ang dahilan kaya nais nilang ipa-repeal ang batas para hindi magamit ng mga government officials sa pagtatago ng mga ill-gotten wealth.
Ulat ni Meanne Corvera
Please follow and like us: