Warriors wagi kontra 76ers
LOS ANGELES, United States (AFP) – Lumawig pa ang scoring streak ni Stephen Curry sa pamamagitan ng kaniyang electrifying 49-point display, sa laban ng Golden State Warriors at Philadelphia 76ers na pinagwagian ng Warriors sa score na 107-96.
Si Curry na umiskor din ng 47 points sa laban nila kontra Boston nitong Sabado, ay mayroon nang 11 straight game na may 30 o higit pang puntos.
Isa na naman iyong “spellbinding performance” mula sa tinaguriang Warriors talisman, na mukhang magiging frontrunner para sa NBA Most Valuable Player award ngayong season, kung saan may average siyang 31.4 points per game.
Kasama sa 49 points ni Curry ang 10 three-pointers – at lima rito ay sa final quarter.
Iyon na ang ika-21 ulit sa career ni Curry sa Golden State, na nakagawa siya ng 10 o higit pang three-pointers sa single game.
Ang susunod na highest ranked player sa talaan ay ang kaniyang teammate na si Klay Thompson, na nakagawa ng 10 three-pointers sa limang games.
Ayon kay Golden State coach Steve Kerr . . . “I don’t know what else to say. When you guys ask me after every game what I think of Steph and his performance, well, whatever I said after the last game — just use that. Because it’s the same thing after every game — utter amazement at this guy’s skill level, heart, mind and focus. Just amazing to watch.”
Tinawag din ni Kerr ang three-point scoring ni Curry na “mind-boggling stuff” at ang 33-anyos aniya ay gumawa nan g sarili niyang kasaysayan sa NBA, kung ang pag-uusapan ay ang pag-shoot ng bola.
Dagdag pa ni Kerr . . . “Kobe Bryant earlier in his career had a stretch, and obviously Michael Jordan had some stretches where he scored like crazy. But nobody’s ever shot the ball like this in the history of the game. And even by Steph’s own lofty standards, this is above and beyond.”
© Agence France-Presse