Warriors wagi laban sa Clippers, Curry nagalit
Nakuha ng Golden State Warriors ang ikapitong sunod nilang panalo, matapos daigin ang Los Angeles Clippers sa score na 105-90 sa kanilang laro nitong Linggo (Lunes sa Maynila).
Gumawa ng 33 points si Stephen Curry sa fourth quarter para pangunahan ang NBA-leading Golden State Warriors.
Nagalit si Curry nang matawagan ng technical foul sa 9:08 minuto ng final period kung saan abante na sila sa score na 79-70, subalit binuweltahan niya ito ng tatlong triples sa final frames, na inambagan pa ni Otto Porter, Jr. Ng 18 points at 17 points ni Jordan Poole.
Ayon kay Curry . . . “It was kind of a B.S. T (technical foul). You have those moments and decisions of where you’re going to put your energy at, and obviously I thought I got fouled so I wanted to let the emotions out and then you let it go and then you just play basketball. For me individually and for our team, I think we fueled off of that and just worried about putting the ball in the basket and that’s when the avalanche started.”
Ang susunod namang makakaharap ngayong Martes ng Warriors, na nangunguna na sa liga sa pamamagitan ng kanilang 18-2 record, sa western conference ay ang Phoenix Suns na 16 na sunod-sunod nang nanalo at mayroon nang 17-3 record.
Samantala, gumawa naman ng 30 points para sa Clippers si Paul George, habang may tig- 13 points na naiambag sina Eric Bledsoe at Marcus Morris. (AFP)