Water filtration systems, ipinagkaloob ng Israel Embassy sa Mindanao Development Authority
Nag-donate ang Israel Embassy ng water filtration systems sa Mindanao Development Authority (MinDA).
Ang mga ito ay ipinamahagi naman ng MinDA sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Odette sa Mindanao.
Partikular na nakatanggap sa Israeli-made water filtration systems ang Del Carmen at San Isidro sa Siargao Island at Cagdianao at Basilisa sa Dinagat Islands.
Ayon sa Israel Embassy, ang donasyon ay inisyatiba nito para suportahan at isulong ang access sa malinis na inuming tubig sa Pilipinas.
Ang Israeli-made technology ay portable crank-operated machine na may kakayanan na i-purify ang tubig mula sa polluted source gaya sa ilog.
Kaya rin nito na i-purify ang hanggang 400 litro ng tubig kada oras na sapat para matugunan ang daily water needs ng 300 hanggang 400 katao.
Moira Encina