Water interruption ng Maynilad sa ilang bahagi ng Metro Manila at Cavite, iniurong sa Oct. 29 – Nov. 1
Iniurong sa October 29 hanggang November 1, 2021 ang water interruption ng Maynilad sa ilang bahagi ng Metro Manila at Cavite na una nang itinakda bukas Ocotber 25 hanggang 28.
Sa advisory ng water concessionaire, sinabing nagpasya silang baguhin ang implementasyon ng interruption dahil sa request na dumagsa sa kanilang tanggapan mula sa mga customer upang sila umano ay makapaghanda.
Ang bagong schedule ay ipinalabas matapos silang makipag-ugnayan sa DPWH at MWSS para sa itinakdang pipe realignment sa bahagi ng Maynila.
Napili uman nila ang Oct. 29 – Nov. 1 dahil ito ay holiday o Undas ng mga Katoliko kung saan karaniwang nagsisiuwian sa mga probinsiya ang mga tao kaya inaaasahang mas kakaunti ang maaapektuhan ng interruption.
Wala namang magiging pagbabago sa listahan ng mga apektadong Barangay at oras ng interruption.
Makikita ang updated schedule ng mga apektadong customer sa facebook page ng Maynilad water services.
Gagamitin ng Maynilad ang bahagyang adjustment sa schedule upang maragdagan ang available na mobile tankers at stationary water tanks, sa tulong na rin ng local government units at local fire bureaus.
Pinapayuhan naman ang mga apektadong customer na mag-ipon ng sapat na tubig para sa itatagal ng water service interruption.
Pagbalik ng water service ay hayaan munang dumaloy ang tubig nang panandalian hanggang sa luminaw ito.
Paliwanag ng Maynilad, ang proyekto ng DPWH ay makatutulong upang masolusyonan ang madalas na pagbaha sa Maynila.