Water level sa Orsk sa Russia, ‘kritikal’ na
Libu-libong katao ang napilitang lumikas bunsod ng malaking pagbaha sa Russian City ng Orsk, habang iniulat naman ng Moscow na ‘kritikal’ na ang sitwasyon at nagbabala ng inaasahang mapanganib na lebel ng tubig sa Siberia.
Isinailalim ng Russia sa isang “federal emergency” situation ang southern Orenburg region, kung saan umapaw ang Ural river at binaha ang Orsk at nagbabanta na rin sa main city ng Orenburg.
Sumabog ang isang dam malapit sa Orsk, sa southern Urals malapit sa Kazakhstan dahil sa malakas na mga pag-ulan, at sinabi ng mga awtoridad na ang dagdag pang mga pag-ulan ay magbubunsod ng pagtaas sa water levels.
The Kremlin has warned of more floods expected to hit western Siberia in the coming days © Handout / Russian Emergencies Ministry/AFP
Sinabi ng mga awtoridad na mahigit sa 4,500 katao ang inilikas mula sa Orsk at mahigit sa 6,500 mga tahanan ang binaha sa buong Orenburg region.
Nagbabala rin ang Kremlin ng “nature anomalies” at ipinag-utos na maghanda para sa inaasahang mga pagbaha sa Kurgan sa Siberia at Tyumen regions.
Habang ang Orsk, isang siyudad na mayroong 200,000 katao, ang pinakamalalang naapektuhan ng pagbaha, ang lebel ng tubig sa Ural river ay mabilis ding tumataas sa regional hub ng Orenburg, tahanan ng may 560,000 mga residente..
Sinabi ni Russian Emergency Situations Minister Alexander Kurenkov, “A critical situation has developed in Orsk.”
Binisita ni Kurenkov ang binahang siyudad lulan ng isang bangka, maging ang mga evacuee sa pansamantalang housing centers.
Aniya, “Nature does not tolerate mistakes. The flood situation can change rapidly.” Nanawagan din siya sa mga awtoridad na tiyaking nasa panahon ang mga paglilikas.
Water levels in the Russian city of Orenburg are expected to reach dangerous levels in the next few days © Handout / Russian Emergencies Ministry/AFP
Sinabi naman ng Orenburg regional authorities na inaasahan nila ang “peak” ng mga pagbaha sa April 9 at magiging stable na ang sitwasyon pagkatapos ng April 20.
Ayon sa Russian weather monitor na Rosgidromet, “Water levels on the Ural river in the main city of Orenburg will reach dangerous levels over the next three days.”
Sa kaniya namang post sa Telegram ay sinabi ni Mayor Sergei Salmin, “The situation remains critical, the water level had risen 28 centimetres (11 inches) since the previous day.”
Ayon sa kaniyang tanggapan, 403 mga bahay ang nadamay sa mga pagbaha sa Orenburg.
Nagbabala si Salmin sa mga residente na magpapatupad ng forced evacuations sa tulong ng police officers sa mga apektadong lugar, sakaling tumanggi ang mga ito na kusang lumikas.
Aniya, “We have no time for convincing.”
Sa ngayon ay wala pang naiuulat ang mga awtoridad na casualties sa lugar, ngunit ipinag-utos ang pagsasagawa ng sanitary inspections at nanawagan sa publiko na bottled water muna ang inumin.
The Kremlin has warned authorities to prepare for ‘nature anomalies’ with rivers rising © Handout / Russian Emergencies Ministry/AFP
Ang katabing Kazakhstan ay naapektuhan din ng mga pagbaha kung saan sinabi ni President Kassym-Jomart Tokayev, na ito ang isa sa pinakamalalang natural disasters na kanilang naranasan sa loob ng 80 taon.
Ayon sa Kremlin, si Russian President Vladimir Putin ay regular na pinadadalhan ng impormasyon tungkol sa pagbaha sa Orenburg region.
Inatasan din ni Putin ang mga gobernador ng Siberian regions ng Tyumen at Kurgan na paghandaan ang “inaasahang mabilis na pagtaas sa lebel ng tubig” at “hindi maiiwasang” mga pagbaha, ayon sa kaniyang tagapagsalita na si Dmitry Peskov.
Sinabi ni Peskov, “Local hydraulic stations showed an ‘abnormal increase in water levels’ not seen in 100 years.”
Sabi naman ni Emergency Minister Kurenkov, “The Tobol river, a major river in western Siberia, is expected to rise in the Kurgan region.”