Water purifying team ng MMDA idineploy sa Leyte
Nagdeploy na ang Metro Manila Development Authority ng water purification team sa Southern Leyte.
Dulot ito ng kakapusan ng maiinom na tubig dahil sa epekto ng bagyong odette.
Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, umaasa silang maibabalik ng kanilang team ang pinagkukunan ng malinis na tubig para sa mga residente.
Nagpadala na rin sila ng 3,639 na galon ng tubig sa Brgy. Combado at 1,215 sa Brgy. Lib og sa Maasin city habang 8,428 na mga galon ng tubig sa munisipalidad ng Limasawa.
Nauna nang nagpadala ang MMDA ng mga tauhan nito na tutulong sa clearing operations sa mga lalawigang matinding napinsala ng bagyo.
Ang Leyte ay nasa ilalim na ng state of calamity dahil sa matinding hagupit ng bagyo.
Meanne Corvera