Water rationing malabong maulit ngayong 2023 – MWSS
Hindi na mauulit ang nangyaring water crisis sa Metro Manila noong 2019 ngayong 2023.
Tiniyak ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), na hindi magkakaroon ng pagra-rasyon ng tubig kahit pa naghahanda ang bansa sa epekto ng El Niño phenomenon.
Sinabi ni Engr. Delfin Sespene, MWSS Site, Operations and Management Manager, na naghanda ang ahensya ng mitigating at augmentation measures kasama ang water concessionaires.
May pagkukunan aniya ng tubig ang Manila Water at Maynilad para sa supply ng Metro Manila.
Inihayag ni Sespene na normal pa rin ang water level ng Angat Dam kung saan kinukuha ang 90% ng supply ng tubig para sa Metro Manila at 10% naman mula sa Laguna Lake.
Niliwanag ni Sespene na mayroon na ring mga connection ang MWSS sa Ipo Dam papuntang La Mesa Dam at Balara water reservoir na mapagkukunan ng supply ng tubig sa panahon ng emergency.
Vic Somintac