WBA crown, handa nang bawiin ni Pacquiao kay Ugas
LAS VEGAS, United States (AFP) – Handa na si Manny Pacquiao para bawiin ang kaniyang welterweight crown, matapos ang dalawang taong pahinga mula sa boxing ring.
Makakaharap ng pambansang kamao ang WBA champion na si Yordenis Ugas sa Las Vegas T-Mobile Arena.
Ang wala pang talong IBF at WBC champion na si Errol Spencer, Jr. sana ang makakalaban ni Pacquiao ngunit biglaan itong umatras sanhi ng eye injury.
Ang huling laban ng fighting senator ay noon pang July 2019, kung saan tinalo niya si Keith Thurman at napanalunan ang WBA title.
Gayunman, sa unang bahagi ng 2021 ay binawi kay Pacman ang naturang titulo sanhi ng “inactivity,” sa kabila ng ‘global disruption’ sa mundo ng boksing bunsod ng pandemya.
Sa halip, ang belt ay ibinigay ng WBA kay Ugas.
Ayon kay Pacquiao . . . “Hindi ko gusto na napunta ang belt ko sa iba na hindi ko man lang nakalaban sa ring. Pareho kaming champion ni Ugas, pero malalaman natin kung kanino mapupunta ang belt pagkatapos ng laban sa Sabado.”
Lumilitaw naman na si Pacquiao ang paborito sa laban na ito para mabawi ang kaniyang titulo.
Ani Pacquiao . . . “Hindi ko alam kung ito na ang magiging huling laban ko sa ring, we are going to see fight by fight. I feel young right now. I enjoy training camp and I’m excited to sacrifice and be disciplined everyday to prepare for a fight like this.”
Sinabi naman ng long-time trainer ni Pacquiao na si Freddie Roach . . . “There has been no sign of a drop-off in Manny’s ferocious work ethic. It is as good as it was 20 years ago, I’m expecting this fight to end in a knockout the way he has been looking.”
Si Pacquiao ay may record na 62-7-2, 39 knockouts habang ang 34-anyos na Cuban na si Ugas ay may 26-4, 12 knockouts.
Ayon kay Ugas . . . “I’m certain that he cannot knock me out. I have prepared for 12 hard rounds. If this is Pacquiao’s final fight, then he’s going to be up against a guy who brought his best.”
Agence France-Presse