Webinar sa online child safety at protection, isasagawa bilang pagdiriwang ng Safer Internet Day sa Peb. 8
Ikinasa ng UNICEF at Globe ang isang webinar na layong mapalawak ang kamalayan at maisulong ang pagkilos sa proteksiyon ng mga bata laban sa online sexual abuse at exploitation.
Bahagi ito ng pagdiriwang ng annual Safer Internet Day.
Gaganapin ang #MakeITSafePH Webinar na iho-host ng Globe sa Martes, Pebrero 8 ng 10:00 ng umaga
Ang learning session ay mapapanood sa livestreaming sa Globe Bridging Communities Facebook page.
Layunin ng aktibidad na maipabatid ang Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC) sa bansa at ang mga paraan kung paano masusuportahan ang paglaban dito.
Tatalakayin ng UNICEF ang OSAEC landscape sa bansa at kung bakit ang child protection ay collective responsibility.
Kabilang din sa webinar ang Internet Watch Foundation na tatalakay sa global impact ng OSAEC.
Kasama rin sa programa ang CitizenWatch Philippines, at Bantay Konsyumer, Kalsada, Kuryente (BK3).
Suportado ng Globe ang mga inisyatiba ng pamahalaan na labanan ang online sexual abuse at exploitation of children.
Nakipagpartner din ito sa Internet Watch Foundation (IWF) para palakasin ang laban kontra OSAEC at sa Canadian Center for Child Protection para matukoy ang iba pang illegal sites at ma-block ito sa network.
Madelyn Moratillo