Weekend road repair at reblocking muling isinasagawa sa ilang kalsada sa Metro Manila
Muling nagsagawa ng road reblocking at repair ngayong weekend ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilang kalsada sa Metro Manila.
Sa advisory ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nagsimula ang pagkumpuni alas-11:00 kagabi.
Apektado ang mga sumusunod na kalye:
1. Edsa Santolan San Juan city innermost lane magmula sa Santolan-Annapolis MRT station hanggang V.V. Soliven driveway;
2. Edsa Quezon City Northbound/ Edsa QC paglampas ng P. Tuazon at Edsa Southbound kanto ng Arayat
3. C-5 road Northbound (1st lane) paglampas ng McKinley road Makati city;
4. C-5 road Southbound (2nd lane) Makati city;
5. Tandang Sora Ave., Quezon City Visayas avenue hanggang San Miguel st.;
6. Times street Quezon City kanto ng West Ave. harapan ng Kowloon house;
7. Commonwealth Ave. Quezon City Zuzuarregui st. hanggang Diliman Preparatory school
8. Edsa Southbound Quezon City service road 1st block South Ave. intersection at 1st block buhat sa sidewalk kanto ng South ave. hanggang Kamuning road
9. P. Garcia Avenue, Quezon City
10. at… C-5 road Pasig city sa kahabaan ng Pasig Blvd. Southbound
Ang mga nasabing kalsada ay bubuksan sa Lunes, Mayo 30, alas-5:00 ng madaling araw.
Pinapayuhan ng MMDA ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta upang hindi maabala.