West nangako ng dagdag na armas at sanctions kaugnay ng bagong opensiba ng Russia

Members of the United Nations (UN) Security Council meet at the UN on April 19, 2022 in New York City. The council met today as Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy announced that Russia has renewed its assault on the Donbas region, with attacks escalating in Luhansk and Donetsk. Earlier today, UN Secretary-General António Guterres called for a four-day Holy Week humanitarian pause beginning when Ukrainians and Russians celebrate Holy Thursday on April 21 and running through Easter Sunday, April 24 to allow for the opening of a series of humanitarian corridors. The safe passage would allow civilians wanting to leave Ukraine in coordination with the International Committee of the Red Cross, with the UN ready to aid convoys during this period.Michael M. Santiago / Getty Images / AFP

Nangako ang western allies ng dagdag na military supplies at sanctions para ayudahan ang Ukraine at tropa nito na labanan ang puwersa ng Russia, na pinaigting ang kanilang opensiba sa silangan ng Ukraine.

Ayon sa armed forces ng Ukraine, sumidhi ang bakbakan sa buong Donbas, at iniulat ng ministry of defence ang matitinding labanan malapit sa bayan ng Marinka sa Donetsk region.

Bilang tugon sa bagong opensiba ng Russia, sa isang virtual meeting sa pagitan ni US President Joe Biden at ng European leaders, ay nagkasundo ang Estados Unidos at European Union na palawakin pa ang international isolation ng Moscow.

Ayon kay European Commission chief Ursula von der Leyen . . . “We will further tighten our sanctions against Russia and step up financial and security assistance for Ukraine.”

Pahayag naman ng defence ministry ng Russia . . . “High-precision air-based missiles had hit 13 Ukrainian positions in parts of Donbas while other air strikes hit 60 military assets, including in towns close to the eastern frontline.”

Ipinahiwatig ni Biden sa mga mamamahayag na ang Estados Unidos ay magpapadala ng dagdag pang artillery – habang ang pinakahuling $800 million US aid package ay nagsimula nang dumating sa Ukraine, na kinabibilangan ng 18 howitzers, 40,000 artillery rounds, 200 armored personnel carriers at 11 helicopters.

Ayon kay White House spokeswoman Jen Psaki . . . “We will continue to provide them more ammunition as we will provide them more military assistance.”

Sinabi rin ng Pentagon na kamakailan ay tumanggap na ang Ukraine ng fighter planes at aircraft parts para palakasin ang kanilang puwersa, nguni’t tumangging sabihin ang bilang ng aircraft at pinagmulan nito.

Ang kontrol sa Donbas at ang kinubkob na southern port ng Mariupol ay magbibigay-daan sa Moscow na lumikha ng southern corridor sa Crimean peninsula na pinagsama nito noong 2014, at maalis sa Ukraine ang karamihan sa baybayin nito at isang pangunahing mapagkukunan ng kita.

Sa walang humpay na pakikipaglaban nito upang makubkob ang Mariupol, naglabas ang Moscow ng panibagong panawagan para sa mga tagapagtanggol ng lungsod na sumuko at inihayag ang pagbubukas ng isang humanitarian corridor para sa sinumang tropang Ukrainian na pumayag na ibaba ang kanilang mga armas.

Ngunit sa isang panayam, si Pavlo Kyrylenko – na nangangasiwa sa administrasyong militar sa rehiyon ng Donetsk – ay nagsabi na ang Mariupol ay nanatiling nakikipaglaban.

Aniya . . . “The Ukrainian flag is flying over the city.”

Please follow and like us: