Western US nahaharap sa wildfires, habang milyun-milyon ang nasa ilalim ng heat warnings
g estado sa kanluran ng US kabilang ang California at Utah, ang nakikipaglaban sa wildfires habang milyun-milyong mga Amerikano naman sa rehiyon ang muling isinailalim sa heat alerts.
Ang mga utos sa paglikas ay inilabas sa silangan ng Los Angeles sa Riverside County, kung saan nasunog ang ilang mga gusali at nasunog ang higit sa 2,000 ektarya (800 ektarya) ng lupa, ayon sa mga lokal na awtoridad.
Sa buong California, 21 ang sunog na ang iba ay malaki at ang iba ay maliit, ayon sa ahensya ng gobyerno na Cal Fire.
Naging kumplikado naman ang kanilang mga pagsisikap dahil sa napakainit na temperatura na naranasan sa kanlurang Estado Unidos nitong nakalipas na weekend, kung saan mahigit sa 30 milyong katao ang apektado ng heat warnings sa mga estado ng California, Arizona, Nevada, Oregon at Washington.
Una nang nagbabala si California Governor Gavin Newsom sa mga unang bahagi ng July tungkol sa isang “very active” wildfire season, kasunod ng dalawang taong pahinga dahil sa maulang winters.
Ang paulit-ulit na heat waves simula nang mag-umpisa ang June, ang nagpatuyo sa malaking bahagi ng vegetation ng estado, kaya naging mas madali ang pagkalat ng mga sunog.
Ayon kay Newsom, “Since January, forest fires have ravaged some 207,415 acres in California, well above the 10,080 acres recorded during the same period last year, and exceeding the five-year average of 38,593 acres burned.”
Nitong nagdaang linggo, ipinadala ng California ang kanilang mga bumbero sa katabing Oregon, habang sinabi naman ni Governor Tina Kotek, “the wildfire season had a very aggressive start.”
Humigit-kumulang sa 20 mga sunog ang tinatangkang apulahin sa northwestern state.
Isa rito, ang Cow Valley Fire, ay binigyan na ng “megafire” status noong isang linggo matapos nitong manalasa sa mahigit sa 100,000 ektarya sa isang rural, at lubhang mataong lugar.largely unpopulated area.
Sinabi ng mga awtoridad na 80% contained na ito.
Ang Utah ay tinamaan din ng isang wildfire noong Sabado na nagsimula malapit sa kapitolyo ng estado na Salt Lake City.
Nagbunsod ito ng paglikas ng mga residente mula sa himigit-kumulang 40 mga bahay sa hilagang bahagi ng lungsod, at nagdulot ng panic sa ilan na malapitang nakita ang sunog.
Kuwento ng Utah resident na si Roger Hobbs, “I ran out of the house and thought, ‘That’s my backyard,’ It’s scary to death up here.”
Ang extreme weather ay nagiging lubha nang karaniwan habang ang planeta ay nagiging mainit, na ang malaking dahilan ay umaasa nang labis ang mga tao sa fossil fuels, ayon sa mga siyentipiko.
Ang nakalipas na buwan ang pinakamainit na June na naitala sa buong mundo, ayon sa Copernicus Climate Change Service ng European Union.