Western Visayas, nananatiling top destination para sa mga dayuhang turista na nagtutungo sa bansa – DOT
Western Visayas pa rin ang nangungunang top destination para sa mga dayuhang turista na nagtutungo sa bansa.
Batay ito sa tala ng Department of Tourism.
Ayon sa DOT Region 6, pinakamarami na bumibisita sa bansa ay nagtutungo sa Region 6, lalo na sa Isla ng Boracay.
Sinabi ni DOT Regional Director Helen Catalbas nangunguna sa mga foreign tourist na nagtutungo sa Western Visayas ay Koreans na sinundan ng Chinese, Taiwanese, Americans at Malaysians.
Sa ngayon ay umaabot na sa mahigit 2 million ang tourist arrivals sa rehiyon batay sa data ng DOT sa loob lamang ng anim na buwan.
Please follow and like us: