WHO, muling nagbabala  sa mga sakit na maaaring makuha sanhi ng matinding trapik at malabis na polusyon sa hangin 

 

 

Kasama na nga sa buhay ang matinding trapik at malabis na polusyon ng kapaligiran.

Ayon sa mga eksperto mula sa World Health Organization (WHO),  apektado ang mga commuters na  nasa lansangan.

Maaari umano silang dapuan sakait sa baga, sakit sa puso at maari ding tumaas ang kanilang blood pressure.

Sa panig naman ng private hospital association of the philippines o phap, mas lalo umanong mapanganib ang matinding trapik at polusyon sa hangin ang mga dumaranas na ng mataas na blood pressure at mga diabetics.

May epekto rin daw sa emosyon at pag-uugali ng tao ang pananatili sa matinding trapiko, gaya ng pagkaranas ng stress, pagiging balisa, pag-aalala, pagk- iritable, pag kaburido, pagkalito, pagkadisymaya, overreaction, panic, pagkaramdam ng pagkabigo, takot, paranoia, at pagkagalit.

Payo ng eksperto, magsuot ng face mask, dalhin ang maintenance na gamot, magbaon ng tubig at pagkain upang kung magutom sa gitna ng matinding trapik ay may kakainin.

 

 Ulat ni Belle Surara

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *