WHO nagpatawag ng emergency meeting para talakayin ang outbreak ng monkeypox
Nagpatawag ng emergency meeting ang World Health Organization (WHO), upang talakayin ang outbreak ng monkeypox o isang viral infection na makikita sa west at central Africa, matapos makapagtala ng mahigit 100 kumpirmadong kaso sa Europa.
Ayon sa WHO, kumakalat ngayon ang mga balitang mayroon nang mga kasong napaulat sa Belgium, France, Germany, Italy, Portugal, Spain, Sweden at United Kingdom, gayundin sa US, Canada, at Australia.
Tiwala naman ang health experts sa WHO, na hindi masyadong mapaminsala ang monkeypox kumpara sa COVID-19 na mabilis kumalat.
Mula pa noong 1970 ay mayroon nang naitalang mga kaso ng monkeypox sa 11 mga bansa sa Africa.
Ang unang kaso sa Europe ay nakumpirma noong May 7, at mula ito sa isang indibidwal na umuwi sa England galing sa bakasyon sa Nigeria.