Wildfire sa Turkey na ikinamatay ng 15 katao maaaring dahil sa faulty wiring – experts

This handout photograph taken and released on June 21, 2024 by Turkish news agency DHA shows a burnt field after a wildfire swept overnight through two areas between the districts of Diyarbakir and Mardin in southeastern Turkiye. (AFP)

Umakyat na sa 15 ang bilang ng mga namatay sa malaking wildfire na nanalasa sa halos Kurdish southeast ng Turkey noong isang linggo ayon sa hospital sources, habang itinuro naman ng mga eksperto ang faulty wiring na posiblengs sanhi ng sunog.

Ang sunog na sumiklab noong Huwebes sa pagitan ng mga siyudad ng Diyarbakir at Mardin, ay agad na ikinamatay ng 12 katao habang lima naman ang nag-agaw-buhay, na ang tatlo sa mga ito ay namatay na rin noong Linggo.

Kinumpirma ng hospital sources ang bilang ng mga namatay, at sinabing may dalawa pang nasa intensive care.

Daan-daang mga hayop din ang namatay sa sunog na nanalasa sa tuyong kalupaan.

Ayon sa gobyerno, “stubble burning” ang sanhi ng sunog ngunit sinabi ng Diyarbakir branch ng Chambers of Turkish Architects and Engineers, na faulty electric cables ang malamang na naging sanhi ng sunog.

Sa isang ulat na inilabas noong Linggo ay sinabi ng Diyarbakir branch ng Chamber, “The fire could have been caused by the power cables, there was ‘no stubble’ in the area and the electric wires in the area were in a state of disrepair.”

Ayon pa sa report, “The cause of the fire was not the stubble. The electricity cables and poles were unmaintained and dangerous, there are no fire prevention measures around the poles.”

Ang findings ay lumabas dalawang araw makaraang ang isang expert report na ipinadala sa local public prosecutor’s office ay nagsabing, “conductive wire broke and ignited the grass on the ground and it spread to a wide area due to the effect of strong wind.”

Ang faulty wiring ay nasa isang poste sa Koksalan village, sa isang lugar na hindi pa naaani ang mga pananim ayon sa mga eksperto.

Sa kanilang tantiya, ang sunog ay nanalasa sa pagitan ng 1,650 at 2,000 eltaryang taniman, kagubatan at residential areas.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *