Wildfire sa Western US state ng Oregon, patuloy na lumalawak
Patuloy pang lumalaganap ang wild fire sa bahagi ng Western US state ng Oregon.
Ayon sa mga awtoridad , mahigit na sa tatlong daang libong acres ang napinsala ng sunog.
Umabot na rin sa animnapu’t pitong bahay ang natupok ng apoy at nasa dalawang libo at isang daang pamilya ang pinalikas.
Sinabi ni Firefighter Commander Joe Hessel na kasinglawak na ng Los Angeles ang napinsala ng sunog na pinalala pa ng tagtuyot, malalakas na hangin at napakainit na panahon.
Samantala , iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang posibleng pananagutan ng isang power company sa pagsiklab ng sunog.
Agence France – Presse
Please follow and like us: