Women’s football team ng bansa, nagtala ng kasaysayan makaraang magwagi sa FIFA Women’s World Cup sa unang pagkakataon

Sarina Bolden (L) celebrates scoring her team's winner (Photo by Marty MELVILLE / AFP)

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nanalo ang Pilipinas sa isang World Cup match, makaraang talunin ang New Zealand.

Sa bisperas ng laban ng Pilipinas sa New Zealand ay sinabi ni Filipinas coach Alen Stajcic, “I want to crash the party,” at ito nga ang kanilang ginawa sa pamamagitan ng 1-0 victory sa harap ng 32,357 nanood sa Wellington.

Si Sarina Bolden ang nakapagpasok ng kaisa-isang goal sa unang half para sa panalo ng Pilipinas, ang una para sa bansa sa men’s man o women’s World Cup.

Idineklara namang Player of the Match ang goal keeper ng Filipinas na si Olivia McDaniels, dahil sa maigting niyang pagdepensa upang mapanatili ang pangunguna ng koponan.

Photo courtesy of Phil. Sports Commission FB page

Draw ang resulta ng laban ng Switzerland at ng 1995 champion na Norway, na nawalan ng star striker sa katauhan ni Ada Hegerberg ilang sandali lamang bago ang kickoff dahil sa injury.

Nangunguna ang Switzerland na may apat na points, lamang ng isang puntos sa New Zealand at sa kapapanalo pa lamang na Pilipinas na ngayon ay nasa third spot na sa Group A, habang ang Norway ay mayroon lamang isang puntos at wala pang goal.

Dapat iwasan ng Switzerland na matalo laban sa New Zealand sa kanilang laro na gaganapin sa Linggo para makaabot sila sa last 16.

Maaari ring makakuha ng puwesto ang Pilipinas sa knockout stage, ngunit anuman ang susunod na mangyayari laban sa Norway sa katapusan ng linggo, ang makatatalo sa Women’s World Cup host ay matagal na mananatili sa alaala.

Photo courtesy of Phil. OLympic Committee FB page

Sinabi ng naluluhang midfielder ng Pilipinas na si Sara Eeggesvik, “I can’t believe what we have achieved.”

Luhaan din ang mga manlalaro ng New Zealand, at ayon sa kanilang Czech coach na si Jitka Klimkova, “It’s so heartbreaking for everyone in this team. We were fighting until the end, but it wasn’t enough.”

Samantala, nakuha rin ng Czechoslovakia ang kauna-unahan nilang World Cup win nang talunin nila ang Norway sa score na 1-0 sa opening game ng torneo.

Sunod na makakaharap ng Filipinas ang wala pang panalong Norway sa July 30.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *