Women’s groups nanawagan ng pagsuspinde sa excise tax ng langis
Bilang pagdiriwang sa International Women’s Day, nagsama-sama sa Liwasang Bonifacio sa Maynila ang mga grupo ng kababaihan at ilang aktibista para iprotesta ang walang tigil na taas presyo ng mga produktong petrolyo.
Umapela ang ibat ibang women’s organizations kay Pangulong Rodrigo Duterte na aksyunan ang big time oil price hike at pagtaas ng presyo ng iba pang mga bilihin.
Nais ng Gabriela at iba pang women’s groups na magpatawag ng special session ang pangulo para suspendihin ang oil excise tax sa ilalim ng TRAIN Law.
Kinakailangan anila ng agarang stop-gap measures sa punto na ito na kritikal sa mamamayan.
Iginiit ng mga kababaihan na ang tuluy tuloy na price increase ay lalong nagpapahirap sa mga Pilipina at bata.
Moira Encina