Wonder Woman, may part 2
Magkakaroon ng part 2 ang Wonder Woman na pinagbidahan ni Gal Gadot.
Ayon sa Warner Bros. ipapalabas ang nasabing pelikula sa December 13, 2019.
Itoy matapos tumabo sa takilya at kumita ng mahigit 389 million dollars ang Wonder Woman.
Nilagpasan pa nito ang kinita ng Guardians of the Galaxy Vol. 2 ng Marvel Comics.
Bukod dito asahan din na mapapanood si Gal sa Justice League na ipapalabas naman sa November 17, 2017.
Ulat ni: Bea Miranda
Please follow and like us: