‘Wordle’ binili ng New York Times
Inanunsiyo ng New York Times na binili nito ang Wordle, isang hindi pangkaraniwang online game, na milyun-milyon na ang naglalaro, apat na buwan pa lamang ang nakalipas mula nang ilunsad ito sa internet.
Nilikha ni engineer Josh Wardle, ang ‘Wordle’ ay nilalaro sa pamamagitan ng paghula sa isang five-letter word per day ng anim na beses lamang.
Ayon sa New York Times, ang Wordle na inilunsad noong Oktubre ng nagdaang taon, ay mayroon lamang 90 players sa unang bahagi ng Nobyembre, nguni’t nitong early January ay umabot na ito sa higit 300,000.
Ngayon, milyun-milyon na ang naglalaro nito araw-araw, na isa sa sinasabing dahilan ay ang pagiging madali ng pagsi-share sa social media ng spoiler-free results nito.
Ayon kay Jonathan Knight, general manager ng New York Times Games . . . “The game has done what so few games have done. It has captured our collective imagination and brought us all a little closer together.”
Wika naman ni Wardle . . . “I’ve long admired The Time’s approach to the quality of their games and the respect with which they treat their players. Their values are aligned with mine on these matters and I’m thrilled that they will be stewards of the game moving forward.”
Noong una ay nagdesisyon ang British New York resident na si Wardle, na hindi niya imo-monetize ang laro sa pamamagitan ng advertising o subscription, bago nya ito ibinenta sa The New York Times.
Ayon naman sa pahayagan, mananatiling libre ang laro at walang babaguhin dito.