Work suspension sa Korte Suprema, pinalawig
Mananatiling suspendido ang pasok sa Korte Suprema hanggang sa Enero 8, 2022.
Ito ay para bigyang daan ang malawakang antigen testing at contact tracing sa Korte Suprema.
Nagdesisyon ang Supreme Court na palawigin ang work suspension dahil sa hindi pa nakukumpleto ang antigen testing sa lahat ng mga court personnel at mga kawani ng service providers ng SC.
Ayon pa memorandum order na inisyu ni Chief Justice Alexander Gesmundo, mataas din ang positivity rate sa mga empleyado na sumailalim na sa testing.
Samantala, obligado pa rin na pumasok on-site ang mga staff ng Medical and Dental Services, Office of the Bar Chair, Office of the Bar Confidant, at Receiving Section ng Judicial Records Office.
Pinapayagan naman na pumasok ng pisikal ang limitadong staff ng ibang tanggapan sa SC para tugunan ang mga urgent matters.
Pero wala dapat na kahit anumang sintomas ng COVID-19 ang mga kawani.
Moira Encina