Working arrangements sa appellate collegiate courts sa NCR, binago rin dahil sa madaming kaso ng COVID
Bukod sa Korte Suprema, nagpatupad din ng modification sa operasyon at working arrangements ang iba pang appellate collegiate courts sa Metro Manila.
Ito ay sa harap ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa at pagkahawa maging ng mga court personnel.
Para mapanatili ang physical distancing at mabawasan ang hawahan, ipinapatupad sa Court of Appeals, Court of Tax Appeals, at Sandiganbayan ang on site skeleton workforce.
Ang CA ay nagpapatupad din ng flexible work schedule
Tanging sa pamamagitan muna rin ng videoconferencing isasagawa ang mga pagdinig at raffle ng mga kaso.
Hindi rin muna pinapahintulutan sa mga nasabing hukuman ang personal filing ng mga pleading at iba pang court submission.
Bawal din muna ang in-court appearances ng mga abogado, partido, at mga testigo.
Pinatitiyak naman sa mga kawani at opisyal sa mga nasabing appellate collegiate courts na magtuluy-tuloy ang operasyon at hindi maantala ang mga trabaho sa kabila ng mga limitasyon.
Moira Encina