World allergy week ginugunita ngayong linggo, samantala kaso ng Urticaria o tagulabay hindi dapat na ipagwalang bahala ayon sa mga eksperto
Mapula, makating makati, pantal-pantal, iba iba ang hugis, minsan sa buong katawan, minsan sa isang bahagi lang ng katawan.
Ilan lang ang mga nabanggit sa sintomas ng pagkakaroon ng Urticaria o tagulabay.
Ito ang binigyang diin ng mga allergist mula sa Philippine Society of Allergy, Asthma and Immunology Incorporated o PSAAI kaugnay ng pagdiriwang sa World Allergy Week ngayong linggo.
Matatapos ang selebrasyon sa Abril a otso na may temang “The Agony of Hives”.
Nakakatakot ang hitsura nito at nakaiirita ang sobrang kati kung kaya tinawag na agony.
Isa sa bawat limang Pilipino ay maaaring dapuan nito, walang pinipiling edad, bata man o matanda.
Bagaman ito ay hindi nakahahawa, malaki naman ang pinsalang idinudulot nito sa biktima at maging sa kanyang mga mahal sa buhay, kaya naman, mahalagang ito ay naaagapan.
Ang Urticaria o tagulabay ay maaaring mapagkamalang tigdas o kaya ay german measles na parehong may rashes at mapula, pero magkaiba sila.
Payo ng mga eksperto, kapag nakita ang mga sintomas na nabanggit ay iwasang gamutin ang sarili o mag self medicate, sa halip, ay komunsulta sa allergist para malapatan ng angkop na lunas.
UIat ni: Anabelle Surara