World  Autism Awareness day, ginugunita ng United Nations ngayong araw

Sa araw na ito ay ginugunita ng United Nations ang World Autism awareness day.

Ito ang ika-11th Annual World autism awareness day.

Nilalayon ng okasyong ito na itaas ang awareness tungkol sa isang uri ng disorder na tinatawag na Autism spectrum disorder  o ASD.

Ayon sa mga eksperto,  ang ASD ay isang pang-habangbuhay na kapansanan na nakaaapekto habang lumalaki ang isang tao.

Ang batang may autism spectrum disorder ay mas gustong maglarong mag isa, siya ay sensitibo sa tunog, sa ilaw, pandama o pagkilos, mapili o hindi nagugustuhan ang pagkain, nahihirapang humawak ng mga bagay na tulad ng tinidor o pagbubutones o pagtatali ng sapatos, hindi sumasagot kapag tinawag ang kanyang pangalan, halos hindi nagsasalita, magsalita man ay kakaunti at napakaikli at hindi rin siya tumitingin kapag kinakausap.

Ilan lang ang mga nabanggit sa mga mapapansin sa isang taong may Autism spectrum disorder.

Kabilang sa mga maaaring makatulong sa isang may ASD upang matuto ng bagong kasanayan at mapaunlad ang kanilang pagsasalita at pagkilos ay ang mga Speech therapist, Occupational Therapist at Psychologist.

 

Ulat ni Belle Surara

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *