World Blood Donor day gugunitain…samantala DOH, hinihikayat ang publiko na magdonate ng dugo
Tuwing sasapit ang June 14 ginugunita ng buong mundo ang World Blood Donor day.
Nilalayon nitong maitaas ang kamalayan ukol sa Blood donation.
Bukod dito, nilalayon din ng pagdiriwang na pasalamatan ang mga taong kusang-loob na nagdo-donate ng kanilang dugo upang makapagligtas ng buhay.
Samantala, ayon sa pag aaral, napakaraming benepisyong pangkalusugan ang idinudulot ng pag do-donate ng dugo.
Kabilang dito ay ang pagbaba ng panganib sa pagkakaroon ng sakit sa puso.
Nagpapababa rin ng panganib upang dapuan ng cancer at napananatiling malusog ang liver.
Kapag nagdo-donate ng dugo, madaling masunog ang kaloriya sa katawan.
Ayon sa Health Psychology, ang blood donation ay nakatutulong na madugtungan ang buhay ng ibang pasyente, naisasalba rin ang kalusugan ng nag do donate at napahahaba pa umano ang sariling buhay.
Mayroong walong type ng dugo, ang A, B, AB at O positive ay tinatawag na RH+ habang, ang A-, B-, AB- at O- ay ang tinatawag na RH- na napakadalang na uri ng dugo.
Ulat ni Belle Surara