World Health Organization , pabor na lagyan ng tax ang sugary drinks
Mainit na usapin pa rin hanggang sa kasalukuyan ang paglalagay ng tax sa mga sugary drink.
Kaya naman kung maipapasa ang House Bill 5636 na naglalayong patawan ng excise tax na sampung piso per liter ng sugar sweetened beverages tulad ng soft drinks, soda, fruit drinks, sports drinks, sweetened tea, kape, at energy drinks.
Kabilang naman sa hindi papatawan ng proposed tax ay 100% natural fruit juice, 100% vegetable juice, yogurt, gatas, meal replacements, weight loss at oral nutrition therapy products.
Kaugnay nito, itinataguyod naman ng World Health Organization ang tax sa sugary drinks dahil sa maraming rason.
Ayon sa WHO, ang labis na pagkonsumo ng asukal ay magiging sanhi ng obesity, diabetes at tooth decay.
Ang isang lata ng softdrinks ay nagtataglay ng apata pung gramo o sampung kutsaritang asukal.
Sa panig naman ni Dra. Joy Fontanilla, head ng center for weight intervention and nutrition services ng St. Lukes Medical Center-Global City, ang pinaka mainam na pamatid uhaw ay walang iba kundi tubig.
Maaari din na lagyan ang iinuming tubig ng slice ng citrus fruits, cucumber, crushed berries at mint upang magkaroon ito ng lasa.
Dagdag pa ni Dra. Fontanilla, ang iba pang alternatibo ng sugar sweetened beverages ay unsweetened tea, kape at unflavored low-fat o skim milk.
Ulat ni: Anabelle Surara