World Kidney Day gugunitain sa bukas March 9, bilang ng mga taong dinadapuan ng kidney disease, patuloy ang pagtaas ayon sa NKTI
Gugunitain bukas, March 9, 2017 ang World Kidney Day.
Tema ng pagdiriwang ay “Kidney Disease and Obesity”, healthy lifestyle for healthy kidneys.
Batay sa datos, tatlo sa bawat sampung pilipino ay overweight at isa sa bawat 19 na mga pilipino ay Diabetic , kung kaya ang tema ay may kaugnay sa nabanggit na datos.
Ang naturang tema ay naglalayon na lalo pang itaas ang antas ng kamulatan ng publiko tungkol sa sakit sa bato at mga kumplikasyon nito na malaking suliranin sa kalusugan ng tao.
Kaugnay ng selebrsyon, nauna nang nagsasagwa ng fun run noong Linggo, Marso a 15.
Ito ay pinangunahan ng Department of Adult Nephrology ng NKTI.
Bukas magsasagawa ang NKTI ng lay fora na ang kanilang attendees ay mga kawani sa karatig government offices sa Quezon City.
Samantala, para hindi dapuan ng sakit sa bato, ipinapayo ng mga eksperto na iwasan ang maaalat na pagkain, panatilihin ang healthy lifestyle, mag exercise, dagdagan ang pag inom ng tubig at higit sa lahat, minsan sa isang taon ay magpa urinalysis para malaman ang kundisyon ng kidney.
Ulat ni: Anabelle Surara