World Leaders, “mixed reactions” sa pag-pull out ni Trump sa Paris Climate deal
Patuloy na umaano ng samu’t-saring reaksyon sa buong mundo ang tuluyang pag-alis ni Estados Unidos sa makasaysayang Paris Climate agreement.
Ito ay kasunod ng pag-pull out ni US President Donald Trump sa nasabing kasunduan kasabay ng pagtitiyak na bukas siya sa muling negosasyon o pagbuo muli ng panibagong agreement.
Sa kabila ng pag-alis ng Amerika, nananatili namang nagkakaisa ang iba pang mga bansa sa patuloy na paglaban sa Global warming.
Sinabi ng European Union, isang napakalungkot na araw para sa global community ang ginawang pagtalikod ni Trump sa Climate accord.
Nagpahayag rin ng pagkadismaya si French President Emmanuel Macron na sinabing walang Plan B pagdating sa Climate change at isang malaking pagkakamali ang ginawa ni Trump para sa kinabukasan ng mundo.
Dismayado rin si Canadian Prime Minister Justin Trudeau sa US Federal government.
Kapwa nagkasundo naman ang Italy, France at Germany sa pagsasabing pinagsisisihan nila ang naging desisyon ni Trump mula sa nasabing deal.